Ethan Julian Montague | Emma Mia McGrey She's madly in love with our best friend while I'm madly in love with her. That's savage. Ang lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Ang lahat ng humaharang sa dinaraanan niya ay pinapatalsik niya. Hindi niya hahayaang hindi makuha ang gusto niya. Isipin mo na lang na katapusan mo na. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit nawala siya sa'ming barkada. Pero kahit gano'n ay hindi nawala ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang tanong na lang, paano ko kaya mababago ang masamang ugali niya? O kahit hindi na. Dahil alam kong kahit masama siya, mahal ko siya. Ano pa ba ang nagagawa ng isang Emma Mia at kahit wala siyang ginagawa ay patuloy akong nahuhulog sa kaniya? At ano pa ba ang magagawa ko para makuha ang puso niya? Written by: CrushKoSiJ13 Date Started: 08.28.20 Date Finished: 09.17.20
More details