"M-Mahal kita, sa kahit anong p-pahanon at kahit anong taon. Makakalimot ang utak pero hindi ang puso." Utal utal kong pag papaalala sakanya habang ngumingiti. Kaya naman kaagad niyang pinisil ang kamay ko at saka pilit na minulat ang kanyang mga mata bago siya mag salita ulit. "Pangako, sa susunod na habang buhay." Naka ngiti niyang sagot bago unti unting lumuwag ang hawak niya sakin, kaya naman tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha ko. Habang umuubo ako ng dugo, at maya maya pa ay unti unti ko nang naramdaman ang pang hihina. Kaya naman dahan dahan ko nang isinara ang aking mga mata at tinanggap ang aming mapait na kapalaran.All Rights Reserved