"Naniniwala ka ba sa tadhana?" tanong niya sa akin habang ako naman ay nakatingin sa karagatan na sa harapan namin. "Nakakatawa man pero oo, naniniwala ako sa tadhana." sagot ko sa kanya. Tadhana ang nagdala sa akin sa lugar na ito. Tadhana ang may gawa kaya nakakausap ko ang katabi ko ngayon. Tadhana ang naging dahilan sa bawat ngiti, tawa, luha at sakit na naranasan ko. Tadhana ang nagdala sa mundong ito, kaya araw araw ako nagigising sa isang magulong buhay ng isang babae na nagngangalang Kalila Asthrielle Gomez. Hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwan. Hindi ko kaya isuko ang buhay na ito. Kaya araw araw ako mabubuhay sa magulong mundo ko dahil araw-araw akong hinahatak pabalik ng tadhana sa mundo ko. It was and always be inevitable.