Her POV "ano para sayo ang love?" tanong sakin ng perdev teacher ko. Nanatili akong nakatayo sa harap ng klase na may kaba sa dibdib dahil nakatingin sakin ang lahat pati na rin ang ilang lalaki na nakiki sit in sa klase namin. "Love Is Hurt." sagot ko sa teacher ko. "Hurt? why?" takang tanong ni ma'am "Kasi po hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao kapag hindi ka po nasasaktan." nagmadali akong bumalik sa inuupuan ko dahil ramdam ko na tutulo na ang luha ko. Naghiyawan naman ang buong klase. At ang iba naman ay umaarteng sumasakit ang puso nila. Totoong kakambal ng pagmamahal ang sakit. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan pa magmahal kung masasaktan lang din naman pala. Wala nga sigurong naidudulot na kasiyahan ang pagmamahal na yan.