Teka lang binibini nahulog mo ang iyong "Pamaypay" Nilingon ko ang taong hawak ang aking pamaypay. Di ko maaninag ang mukha nito dahil sa sombrero niyang suot. "Maraming salamat ginoo , importante sakin ang pamaypay na ito mabuti nalang at nakita mo" "Bakit ano bang espesyal sa pamaypay na iyan. Wag mo sanang mamasamain ngunit hindi na kaaya-ayang tingnan ang iyong Pamaypay, sira-sira na ito at ang dami ng butas" "Alam ko po iyon Ginoo. Ngunit ang pamaypay na ito ay bigay ng aking sinisinta." Mapait akong ngumiti saka tumingala sa langit sabay pikit ng aking mga mata. "Labing tatlong taon na ng pinaghiwalay ang landas naming dalawa. Natatakot ako na baka pagbalik niya ay di niya na ako makikilala. Ang pamaypay na ito ang ala-ala na magpapatunay ng pinagsamahan naming dalawa." Uminit ang aking mga mata at unti-unting nagsibagsakan ang likido mula sa aking mata. Nakaramdam ako ng mga bisig na pamalibot sakin. "Kahit gaano pa katagal ang panahon na di tayo nagkita, makikilala at makikilala ka pa rin ng puso ko aking sinisinta." Gulat ko siyang tiningnan. Nagkasalubong ang mata naming dalawa at sa pagkakataong iyon nasa harap ko na pala ang lalaking matagal ko nang inaasam na makasma't makita.Ang aking sinisinta na aking tunay na minahal