"Kung hindi ako pumunta sa museo noon, hindi ako masasaktan ng ganito" nakatingin ako sa kanyang mga mata habang sinasambit ang mga ito.
"Kung hindi ka pumunta, hindi mo ako makikilala" tugon naman niya.
"Sana nga hindi na lang kita nakilala" sagot kong muli. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat sa aking mga binitawang salita.
"Hindi ako aalis upang saktan ka, aalis ako upang mas matagal ka nang makasama. Hindi ako mawawala nang matagal, tanging pag-ibig ko lang sayo ang magiging ganoon."
Maraming nagsasabing hindi nababase ang pag-ibig sa edad, estado o kasarian ngunit pagdating sa panahon?
Ito ay ang kwento ng pag-ibig na hindi pangkaraniwan, babaeng umibig sa lalaking naka-pinta lamang.