Isang masayang pamilya na sinira ng isang kasinungalingan na umabot sa isang trahedya, trahedyang magbabago sa takbo ng buhay ng mga naiwan at nang-iwan. Dalawang magkaibang mundo na nagtagpo, ang isa naniniwala na tinadhana, habang ang isa, pinilit ang tadhana. Naging mag-kaibigan at nagkasundo. Naging masaya at payapa, nangarap magkasama, hinarap ang mga pagsubok na naka suporta sa isa't isa. Ngunit paano kung darating ang panahon na kailangan nilang kalabanin ang isa't isa? Paano kung darating ang panahon na kailangan nilang masaktan upang malaman ang katotohanan? Paano kung sa huli, isa sa kanila ang mamamaalam? Makakayanan kaya ng isang naiwan ang lahat? Matatanggap niya kaya lahat, o katulad ng plano, kailangan niya itong saktan? Sa huling paghinga at pagsilip sa araw, mananatili ba ang isa? O hahayaan niyang mawalan ng kaibigan na minsan na naging sandalan niya? PLAGIARISM IS A CRIME!