"Section D: Deadlines, Dead Ends 
Section D: Deadlines and Dead Ends
Tagline
"Dalawampu lang kami sa Section D... at unti-unti kaming nauubos."
---
Story Description
Sa isang normal na high school, may isang hindi normal na klase.
Section D. Dalawampu lang sila, samantalang ang ibang section, puno ng estudyante.
Akala nila, swerte sila-mas konti ang kaklase, mas madali ang buhay.
Pero habang lumilipas ang mga buwan, nagsisimula nilang madiskubre na ang bawat deadline na binibigay sa kanila ay may kasamang dead end.
Mysterious na mga exams, nawawalang classmates, cryptic messages, at isang adviser na laging may itinatagong ngiti.
At nang magsimulang magtaka ang kanilang class president, unti-unting lumabas ang katotohanan:
hindi aksidente ang pagkakapili nila.
May kinalaman ang nakaraan ng kanilang mga magulang... at ang galit ng taong pinakakilala nila.
Pero paano kung ang field trip na pinakahihintay ng lahat...
ang maging huling biyahe nila?
Sa huli, isa lang ang makakaligtas.
At kasama ng dugo, sikreto, at pagtataksil-may maiiwang isang sulat ng pag-ibig.
---