Inaapi Noon, Kinaiingitan Ngayon! (REVISING)
May isang simpleng babae na nagngangalang Jaira Louise Alcantara.
Sa likod ng kanyang malalaking salamin at simpleng pananamit na madalas ituring na baduy, ay isang dalagang punong-puno ng talino at kabutihan. Ngunit dahil sa kanyang itsura, madalas siyang maging target ng pang-aasar at pambubully.
Hindi alam ng marami, si Jaira ay nagmula sa isang napakayamang pamilya-ang pamilyang Alcantara-at siya ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang pangalan at kayamanan. Sa kabila nito, pinili niyang mamuhay nang simple, malayo sa karangyaan na kanyang kinalakihan.
Siya ay masipag, mabait, at napakatalino-mga katangiang lubos na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang.
Isang araw, napagdesisyunan ng kanyang ama na ilipat siya sa paaralang kanilang pag-aari upang doon niya tapusin ang kanyang high school. Isang desisyong magbabago ng kanyang buhay magpakailanman.
Sa pagpasok niya sa bagong paaralan, makikilala niya ang limang naggagandahang dalaga at anim na naggagwapuhang lalaki-mga estudyanteng hinahangaan ng lahat dahil sa kanilang talino, talento, at halos perpektong imahe.
Ngunit sa likod ng kanilang mga ngiti ay may mga lihim na nakatago...
At sa mundong puno ng inggit, kumpetisyon, at pagkukunwari-
saan kaya lulugar si Jaira?
Magiging simula kaya ito ng kanyang pagbangon o ng mas matinding pagsubok?
Alamin natin.