Oceana Raeni ay tahimik na nakatira sa isang isla, tipikal na probinsyana, mahinhin at mahiyain, makilala niya si Eliot Azul Cervantez, taga Manila na nagtayo ng resort sa isla, umusbong ang pagmamahalan sa Isla, sa asul na dagat at pinong buhangin, pero nagbago ang ihip ng hangin, ang kanilang magkahawak kamay na pagsasayaw ay nag-iba ng ritmo at galaw, umalis si Oceana dahil sa isang kasalanan, iniwang mag-isa si Azul sa Isla.
Dalawang taon mula nang sila ay nagkahiwalay dahil sa ginawa ng papa ni Oceana ay muli silang nagkita sa lugar at panahong hindi inaasahan, kapalit ng kalayaan ng ama niya ang pagpapakasal ni Oceana kay Azul, uusbong ba ang hindi nakalimutang pagmamahalan sa Isla sa gitna ng gulo o puro galit at puot lamang dahil sa pangyayaring parehong nagpasakit sa kanila?
This is Oceana Raeni Fernandez and Eliot Azul Cervantez Story 🥀
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category"
Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika.
***
Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso?
Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books
Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)