May kakayahan si Andrea na makakita ng mga kakaibang nilalang sa anyo ng anino. Isang kakayahang walang ibang dinulot sa kanya kundi sakit ng ulo. Wala kasing ibang taong nakakakita sa mga kababalaghan sa paligid maliban sa kanya... o ito ang inakala niya. Isang araw, may nakasalamuha siyang dalawang lalaki: sina Cyrus at Sibol. Dalawang lalaking parehong kakaiba, parehong nakikita ang kababalaghan, at parehong nagdala sa kanya sa nakababaliw na mundong inakala niyang guniguni lamang. Sa paglalakbay kasama ang dalawa, ano-ano kaya ang masisilayan niya sa mundong mahiwaga? ©KPGaje 2020 Cover illustration by yours truly. Started: 8/24/2020
8 parts