'Study first before you enter AGAIN the Kingdom of Love' iyan ang naging motto ni Calixtie matapos masaktan ng dalawang beses na magkakasunod. Panay sabi ng 'Ayoko nang mag mahal ulit' sa tuwing maaalala ang sakit na dinulot ng pagkaka 'friendzone' sa kaniyang barkada at pagiging 'kabit' sa may jowa niyang ka M.U. Para iiwas ang sarili na masaktan ulit, pilit niyang pinatigas ang puso at gumawa ng pader rito nang sa gano'n ay hindi na siya mahulog pang muli. Ngunit sadyang marupok siya kung kaya't ang kanyang puso na pilit niyang pinapatigas ay tulad lamang pala ng isang matigas na tinapay na isinawsaw sa mainit na kape. At ang binuo niyang pader sa kanyang puso ay 'sing tatag lamang pala ng isang kastilyong buhangin. Sa isang iglap lang, ang kanyang pinatigas na puso ay biglang lumambot at ang binuong pader ay biglang gumuho ng makilala niya ang lalaking matipuno ang katawan, matangkad at... sabihin na lang nating mabait. Date Started: July 30, 2020