Nagmulat siya ng mata, una niyang nasilayan ang puting kisame. Nilibot niya ang kaniyang tingin, may nakita siyang kabitan ng swero at napakunot ang kaniyang noo. Nang may mahagip ang kaniyang mata ay agad niya itong tiningnan, isang lalaki na nakatingin sa kaniya, suplado ang hilatsa ng mukha nito.
May pinindot ito sa gilid. Nagtitigan sila ng lalaking iyon at walang sinuman ang bumitaw. Ilang sandali lang ay may mga pumasok na mga kalalakihan, pakiwari niya ay doktor ang lalaking nakasuot ng puting polo shirt. Tiningnan niya ang tatlong lalaki na nakapwesto sa malapit sa lalaking nakatitig pa rin sa kaniya.
Nalipat ang kaniyang mata sa lalaking isa sa pumasok. Tantya niya ay nasa edad kwarenta na ito.
"How is she?"
"I need some test," may mga sinabi pa ito pero hindi niya na pinakinggan. Matapang niyang sinalubong ang titig ng tatlong lalaki na nakatingin pa rin sa kaniya ngayon. Naputol ang kanilang tinginan nang tumikhim ang matandang lalaki. Napatingin siya sa doktor, hindi nalalayo ang edad nito sa tatlo.
"May I know what's your name, miss?" tanong nito. Sinusubukan kong tama ba ang kanilang hinala.
Napakunot ang noo niya at hindi agad nakapagsalita. Natahimik ulit ang kwarto. Lumabas ang dalawa at may pinag-usapan.
Inenspekyon ulit siya ng doctor at iling at tango lang ang tanging sagot niya. Ilang oras din siyang inexamine.
"She's having a temporary amnesia," siguradong saad ng doktor. Pinal na pahayag na nagdala ng kakaibang emosyon sa mga estranghero.