"Life is never called life without problems.." Kahit na mahirap at masakit ang dinadanas ni Eliana sa araw araw ay hindi siya sumuko. Kahit na sa sariling ama pa niya ito nararanasan ay hindi niya ito iniwan. Ang akala ni Eliana ay puro lungkot nalang ang mararamdaman niya sa mundo, ang akala niya hindi na niya makikita ang daan pero lahat ng akala niya ay mali dahil simula nang dumating si Lucifer sa buhay niya, bigla siyang nagkaroon ng pag asa. Si Lucifer na hindi mapapantayan ng kahit sino ang pagmamahal kay Eliana. Pero dadating talaga ang panahon na hindi mo inaasahan. Dadating ang panahon na magpapaalam ka rin. Kakayanin kaya nila ang panahon na yon?