Hindi naman talaga isang probinsyana si Lane. Ngunit dahil gusto ng magulang nito na samahan ang kanyang lolo't lola ay wala siyang nagawa kundi doon nalang mag-aral. Iniwan niya ang kanyang mga kapatid sa Maynila pati na rin ang kanyang nobyo. Ayos naman sa una ang kanilang relasyon kung hindi lang nagloko ang kanyang nobyo. Akala niya si Jandrei na ang kanyang makakatuluyan. Kung hindi lang umepal sa buhay niya si Louis.