Mahal kita, siyam na letra pero grabe ang dating sa ating puso at kaluluwa. Marahil ay madami saatin ang ninanamnam ang bawat sandaling naririnig natin ang salitang mahal kita. Bawat bigkas ng pantig at letra ay tila ba nagdudulot ito ng kaba at saya. Pero minsan din bang sumagi sa iyong isipan kung sapat na nga ba ang mahal kita para sabihin sa taong mahal mo na mahal mo siya? At sa tingin mo sa bawat sambit mo ng mahal kita ay hanggang dulo na talaga? At hindi mo malalaman kung magbabago na pala ang mga salitang lagi mong binabanggit sakaniya. MAHAL nga ba KITA?