Ayos naman ang buhay ko sumusweldo ng sapat, nakapag bibigay sa pamilya. nabibili ko naman ang mga bagay na gusto ko. Pero parang may kulang, all those years mula ng nag aaral pa ako lagi akong may schedule na sinusunod, platform na kailangan hindi mawala sa mga plano ko sa araw araw, hanggang sa nakapag trabaho na ako lahat may naka set na standard. All those years nag iisip ako, ano ba ang porpose of living ko? ano ba talaga ang pangarap ko? ano ba ang mga bagay na gusto kong gawin? simula kasi bata ako hanggang sa nag high school ako sa bahay at paaralan lang umiikot ang buhay ko, nung nag college naman ako bahay, trabaho at paaralan na dahil nag working student ako noon with a course of HRM, hindi na kasi kayang suportahan ng pamilya ko ang pag aaral ko dahil hindi naman kami mayaman, patay na kasi ang nanay ko noon at ang tatay naman ay walang permanenteng trabaho pero minsan pag may trabaho ang tatay nabibigyan naman niya ako ng suporta. At hanggang sa nakapag trabaho na ako sa trabaho nalang at bahay umiikot ang buhay ko para makapag focus sa pag suporta sa pamilya. Hi i'm si Leo,Leonardo Angeles 24 years old tubong bulacan, Bunso sa 5 mag kakapatid 4 kaming lalake at may isang babae si ate jessa siya yung sinundan ko. Nag tatrabaho ngayon dito sa manila as a Customer Service Representative. Call center po in short inartehan lang. Sa totoo lang sukang suka na ako sa araw araw kong ginagawa, i mean my everyday routine. at may naiisip akong bagay na gusto kong gawin at ramdam kong exciting to. Mag kakaroon ng kakaibang yugto ang mga kaganapan sa buhay ko. Tara at samahan niyo po ako at maging saksi sa magiging takbo ng buhay ko.