44 parts Ongoing MatureSi Aravielle Castellayne Llamanzares ang prized only daughter ng isang mayamang pamilya. Palasak sa social life, party girl siya na laging maluwag ang bulsa at walang iniintinding rules dahil siya ang unica hija na laging pinapayagan ng mga magulang niya. Pero dumating ang araw na napagod na sila sa kanyang pagwawala.
Bilang parusa at para maturuan ng disiplina, pinagdesisyunan ng kanyang pamilya na i-arrange ang kanyang kasal kay Thesian Duskreign Montalviera - isang misteryoso at strict na boss na may control sa isang malawak na business empire. Kasama sa deal, kailangan niyang magtrabaho bilang empleyado ni Thesian sa loob ng isang taon para matutong pahalagahan ang tunay na halaga ng pera at pagsusumikap.
Mula sa isang buhay na puro saya, mapasok si Aravielle sa mundo ng trabaho, disiplina, at mga lihim ng negosyo. Sa bawat araw na magkasama sila ni Thesian, unti-unti niyang nakikita ang ibang side ng misteryosong lalaki, isang tao na may mabigat na pinagdadaanan. Sa gitna ng kanilang kontratang kasal at professional na relasyon, magiging mas malalim ba ang kanilang koneksyon, o mananatili lang ba silang boss at heiress?