"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana dahil matapos ang limang taon ay muling nagkrus ang landas nilang dalawa. Their fate intertwined. Kung paanong naging mabilis ang pagkahulog ng loob ni Fawin kay Skipper noon ay ganoon din kabilis bumalik ang damdamin niya para sa binata. Itinago niya sa pagbibiro ang pagka-ilang, iyon din ang ginawa niyang paraan upang huwag nitong malaman ang isang sekretong namagitan sa kanila limang taon na rin ang nakakalipas. A secret named River. Hanggang sa hindi na yata niya kayang maitago ang sekretong iyon. Kaya ba niyang takbuhan ulit ito gaya ng ginawa limang taon na ang nakakaraan?