Wattys 2022 Winner
Category: Romance
"Ako si Crisanta dela Rosa, panganay sa tatlong magkakapatid. Tanggap kong ampon lang ako at isinumpa ko sa puntod ng nanay at tatay ko na aalagaan ko ang mga kapatid ko."
"Ako si Joseph, Otep ang tawag sa akin nila Nanay at Tatay ng nabubuhay pa sila. Obligasyon kong protektahan ang mga kapatid ko dahil ako lang ang lalaki sa pamilya."
"Ako naman si Cheska, millenial child daw ako. Ako ang bunso sa aming tatlo. Si Ate Crisanta na ang parang naging nanay at tatay ko."
"Kinabukasan ni Otep at Cheska ang prayoridad ko, kung mahal mo 'ko talaga, maghihintay ka."
"Ate, hanggang girlfriend lang ako, good boy 'to. 'Wag kang mag-alala, mag-aaral akong mabuti."
"'Wag n'yo sabihing uminom tayo ha, ang alam nila ate at kuya naki-sleep over lang ako dahil sa projects. Lalo na 'wag n'yong sasabihing may kasama tayong boys."
Damhin ang sakripisyo at pag-ibig, pagkabigo at pagbangon, lungkot at kasiyahan ng magkakapatid at ang pagkapit nila sa PISI na nag-uugnay sa kanilang tatlo.