Sa murang edad na 18 ay ikinasal si Lyren Entrada sa dugong bughaw na si Kian Asulente. Sa kadahilanang nabaon sa utang ang Tatay ni Lyren kay Dowana Asulente. Kung titignan ay napaka-imposible na desisyun ang ipakasal ang dalawang menor de-edad at magsama sa iisang bahay. Ngunit para kay Donya Dowana Asulente makakaya niyang gawin ang lahat kahit na ang pagpapakasal para sa kanyang unico Hijo. Sa kabilang dako naman- -Si Jomill Entrada Tatay ni Lyren,ang kabayarang pagpapakasal sa kanyang nag-iisang anak na Babae ay isang malaki at mahirap na desisyon para sa kanya. Tunghayan natin ang kuwento ng mag-asawang 'Asulente'. Kung papaano nila kahaharapin ang buhay mag-asawa at papaano nila maibibigay kasagutan ang isang bagay na pareho silang dalawa'y hindi pa nila natutuklasan at naranasan----ang Pag ibig.