Naramdaman mo na ba yung feeling na:
nag-iisa ka lang
Na parang invisible ka
Walang nagmamahal sayo
Yung parang lahat sila ayaw sayo
At pakiramdam mo ang liit liit mo, mahina at kawawa ka
Tapos akala mo wala ka ng kakampi
Kaya gusto mo na lang sumuko kasi hirap na hirap ka na sa sitwasyon mo, pagod ka na kasi paulit ulit ka na lang nila ginagwan ng masama pero wala kang magawa.Nabibigatan na ba ang puso mo na puno na ng galit at pagnanais na gumanti?
Minsan na isip mo na din bang magpakamatay na lang para tapos na lahat?
May mga panahon bang hindi mo alam kung ano ba ang dapat mong gawin.Kung yung tama ba kahit napakahirap o yung mali na madali nga, masasatisfy ka nga pero mali naman at masama. Ano ba yung dapat gawin sa ganito o ganyang sitwasyon?
May Panahon ba kung saan naghahanap ka ng someone para icomfort ka, damayan at samahan?Na kahit isang kaibigan man lang pero minsan kahit anong hanap mo wala kang mahanap. Anong dapat bang dapat gawin para makahanap ng totoong kaibigan?
Nalagay ka na din ba sa isang sitwasyong hindi mo alam ang gagawin pero ganun pa man kinakailangan mong gumawa ng isang desisyong maaring bumago sa buhay mo for better or for worst?
Minsan ko ng naramdaman at na pagdaanan ang lahat ng nabanggit ko sa itaas. At kung ganun ka din siguro makakarelate ka sa mga ikwekwento ko? Naitanong mo na din ba ung mga tanong ko sa buhay na banggit ko kanina? Susubukin kong sagutin yon base sa mga karanasan ko. Malay mo makahanap ka ng kasagutan sa mga tanong na matagal mo ng hinahanapan ng kasagutan.
So eto na. I will share with you my learning experiences,opinions,secrets and views of life. A piece of me that I usually don't share with anyone.
⇨ Malungkot ba ang pasko mo? O masaya dahil kasama mo ang pamilya mo?
⇨ Ikaw ba ay nanlalamig dahil hindi mo kasama ang iyong mga mahal sa buhay? O nararamdaman mo ang init ng kanilang pagmamahal dahil kasama mo sila at di ka malulumbay?
⇨ Nakasimangot ka ba dahil walang handang nakahain sa inyong mesa? O nakangiti ka dahil iba't ibang masasarap na pagkain ang nakahain ngayon sainyong mesa?
MALUNGKOT o MASAYA
NANLALAMIG o NAG-IINIT
NAKASIMANGOT o NAKANGITI
Alin man diyan ang mararamdaman mo ngayon, puwes! Para SAYO ang babasahing ito! :)
We may experience disappointments or heartache during the Christmas season, but Jesus and His salvation always gives us reason to celebrate.