Para sayo gaano nga ba kahalaga ang bawat oras? Marami sa atin na pinapalagpas lamang ang oras sa walang makabuluhang bagay. Madami din sa atin ang hindi pinapahalagahan ang kanilang oras. Maaring masasabi natin na mahalaga ang oras natin sapagkat bawat oras ay mayroong kalakip na saya. Ngunit ibahin niyo si Crystal para sa kaniya ang oras ay kaniyang kalaban at kakambal. Kung ang oras ay umiikot ganon din siya ngunit katulad batirya ng oras nauupos din siya. para sa kaniya ang bawat ikot ng kamay ng orasan ay pasakit. Walang humpay na pasakit. Para sa kaniya ang bawat pag ikot ng oras ay ang kaniyang pag lapit sa liwanag.All Rights Reserved