What if one day magising ka na hindi pala ikaw ang taong inaakala mong ikaw? At ang mga taong nakapaligid sayo ay hindi pala dapat na syang nakakasalamuha mo. Ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mong hindi ka totoong anak ng mga kinilala mong magulang. Hindi mo nabakas kailan man sa kanila na hindi ka nila kadugo dahil sa pag mamahal na ipinapakita nila sa iyo. Ikaw ba ay mamumuhi o matutuwa at magpapasalamat sa mga taong kumupkop at nagpalaki sa iyo. At ano ang mararamdaman mo sa totoong magulang mo? At lalo na kung ano ang mararamdaman mo kung apo ka pala ng isa sa pinakamayaman at kilalang tao sa lipunan?