Masama bang humiling na kahit minsan kahit isang beses, na ibigin ka naman ng tunay at totoo? Mali bang hilingin na maging masaya ka naman sa buhay mo? Mali bang humiling na kahit isang beses sa buhay mo tuparin naman ni bathala ang pinakamimithi mong pangarap? Totoong pagmamahal kasama nang taong mahal mo at mahal ka. Sa tuwing inaakala mong nagiging mabait na sayo si bathala kasi pinapadalahan ka niya nang taong sasamahan ka, pero hindi naman niya sinabi kung hanggang kailan at saan ba? Kung inaakala mong nagiging maganda na ang trato sayo ni tadhana kasi hindi ka niya hinahayaang maging mag-isa pero maling tao naman ang naipakilala. Sa tuwing ang akala mong magtatagal ay mawawala din palang parang bula. Pagod na kong umiyak, pagod nakong masaktan, pagod na kong sumubok. Pagod na kong ipakilala ang sarili ko ng paulit. Mali bang magalit kay tadhana? Masama bang kahit minsan piliin mong sumaya at maging makasarili na lang? Sana kahit isang beses maging magkakampi kami ni tadhana. Sana isang beses bumait sakin si bathala. Sana isang beses sa huling pagkakataon tuparin na ni bathala ang pinakamimithiin kong pangarap.