Nang mag hiwalay si Shreya at ang boyfriend nito ay umalis si Shreya sa bahay nila dahil akala niya ay galit ang mga kuya niya sakanya dahil sa ginawang pagsuway nito sakanila at hindi niya alam kung paano ito aayusin pa kaya pinili na lang niyang mamuhay mag-isa. Pero habang tumatagal siyang namumuhay mag isa ay hindi niya pa rin maiwasang umaasa na susunduin o pupuntahan siya ng pamilya niya para pabalikin siya sa bahay nila. At lumipas ang ilang buwan ay unti-unti na niyang tinanggap sa sarili niya na wala na talagang pakialam sakanya ang pamilya niya. Marami siyang pinagdaanan sa buhay niya kaya nang makita niyang muli ang mga kapatid niya ay hindi niya napigilan na magtampo sa mga ito.