Sa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si Jio Ocampo na isang Mafia Boss. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sakanya ni Jio kahit sa nakalipas na pitong taon. Naging mabuti, mapagmahal at maalagang pinsan sakanya si Jio. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isang sikreto ang matutuklasan ni Eunice. Isang sikreto na maaaring makasira sa tiwala at respeto n'ya kay Jio. Dahil lingid sa kaalaman ni Eunice, na ang pinsan kanyang itinuturing ay ang mastermind pala sa pagkamatay ng kanyang mga magulang halos siyam na taon na ang nakalilipas na naging resulta din ng pagkawala ng kanyang memorya. Magagawa kaya ni Eunice na maghiganti sa alang-alang sa kanyang mga magulang? magagawa kaya n'yang kalabanin ang taong naging mabuti sa kanya simula't simula pa?