" There will be a day when everyone needs to say a farewell. No matter who it is, No matter what it is." That's her favourite saying. Sa lahat ng oras na dumadaan sa buhay niya, wala siyang inaasahang tao dahil alam niyang sa huli ay magpapaalam rin ang mga ito. Dadating ang isang tao sa buhay mo para iwan ka rin sa huli. Sa bawat pagtunog ng orasan at paglipas ng panahon ay hindi lang libong tao ang namamaalam at nang iiwan. Minsan dahil ginusto nila ito, minsan kailangan na nilang umalis at minsan tadhana na mismo ang nag plano dahil ito ang kanilang kapalaran. At kahit anong gawin mo ay hindi mo ito mapipigilan. Baka isang araw, mawala na lang yung taong naging malaking parte ng buhay mo. Baka isang araw, pagsisihan mong hindi mo nagawa yung mga bagay na dapat pala ay matagal mo nang ginawa at ipinaramdam. Farewell is farewell, So better take everything kindly and do everything you want