[EDITING] Ayla Rousse Langley Tage o kilala sa pangalan na Art. Laking Estados Unidos. Lumaking nangulila sa pagmamahal ng magulang. May dalawa kapatid sa nanay na hindi nya makasundo. Ni minsan, walang tumanggap sakanya sa mga kapatid nya. Ang resulta, mag-isa nyang binubuhay ang sarili nya na kahit nanay nya na dating alagang alaga nya, ay wala ng pake sakanya. Si Barbara L. Svante at Geoffrey L. Svante. Simula noong tumuntong si Ayla sa grade10 ay natuto syang makihalubilo at sumama sa mga party dahil kay Matthew R. Sevadera at Farrah Hariett G. Corrigan. Napahilig sya sa pagiinom at paninigarilyo. Masipag at matiyaga si Art para makapagtapos at mabuhay ang sarili. Lagi syang nakakatanggap ng award bilang honor. Walang pinalampas ma school year na walang nakukuhang award. Natuto syang lumaban ng mag-isa. Kaya nyang problemahin ang sarili nyang problema ng walang tulong ng iba. Pero... Dylan Hugh St. Patrick Allman. Lumaki sa pamilyang mayaman at walang bahid ng hirap. Malamig ngunit sa mainit nyang presensya ay mahuhumaling ka. Lumaki sya na buo ang pamilya at puro business ang inaatupag. Ang pinsan nyang si Warren S.P. Scott at Titus Lazarus C. St. Patrick ang naging kapatid nya sa pagtira sa Estados Unidos. Matagal na syang naulila sa kapatid. Namatay ito dahil isinalba nya ang buhay ng kanyang kuya. May hilig sa board games at laging nangunguna sa classroom. Sikat dahil sa angking gwapo at talino. Pero... Bakit pag-dating sa pag-ibig, ang daming nabubulag? Yung nandyan na nga sya, sa iba parin intensyon mo. Bakit nga ba hindi mo magawang magkagusto sa iba kahit alam mong ang sakit sakit na? Paano ba makalimot at magmahal ulit? Ano nga ba dapat mong gawin? Sa kanilang konting panahon na magkasama, bakit hindi nila magawang mahulog sa isa't isa? Ano ba talaga kayo? Ano nga ba ang magpapagising sakanila sa katotohanan? Tama ba na isipin na, kahit isang araw lang maging masaya. Okay lang kung masaktan ka na sa susunod na araw. Kase diba? Mahal mo.