Para sa mga taong sikat,hindi naging madali ang kanilang buhay,lalong lalo na ang mga celebrity,sa kadahilanang nawawalan o wala na silang privacy.Pero isang tao ang namumuhay sa showbiz ng walang kahirap hirap,na parang isang simpleng tao lamang sa mundo, sya ay si KRIS ROZEN ZAXH AXIL FLIXT AZE HEARTLIFF o kung tawagin syang KRZAF ng mga kaibigan nya,isa syang sikat na rapper sa grupong ZBBY,model,anak ng isang sikat na businessman at nagmula sa isang sikat na pamilya. Si KRZAF ay kinakatakutan ng lahat dahil sa ugaling mayroon sya,lalong lalo na ang pagiging honest at prangka nya sa lahat,NGUNIT sa kabila ng ugali nyang yon mas lamang parin ang humahanga at umiidolo sa kanya dahil sa itsura at talento nya. Halos lahat ng hindi katangian ng isang celebrity ay nasa kanya na tulad ng pagkakaroon ng privacy,bulgar na ugali, mapang api sa kapwa celebrity nya, nagagalit o hindi pinapansin ang mga fans nya at higit sa lahat wala syang paki kung mag ka isyu sya.PERO para kay KRZAF sya na ang pinakamabait at nag papakatotoo sa lahat ng celebrity dahil sa ipinapakita nyang ugali. Si KRZAF ay mayrong isang masaya at mapagmahal na pamilya, sa katunayan nga ay isa syang FAMILY'S BOY. Sa kagustuhang mamana nya nya ang mga ari arian ng kaniyang lolo't lola at para maging masaya ang kaniyang pamilya, pumayag syang ipag kasundo sa isang babae, si SOOJIPRIM LOVE WON, ang babaeng gusto ng pamilya nya. Pero ng makilala ni KRZAF ang isang tao nagawa nyang sirain ang mga pangako at kagustuhan nya at ng pamilya nya.