May tanong ako sayo... Lubusan mo na bang kilala ang iyong sarili? Ang iyong buong pagkatao ? Kilalang kilala mo na rin ba ang mga taong nakapaligid sayo? Ang mga mahal mo sa buhay? Sa tanang ng buhay ko, hindi ko lubos maisip na ganito pala ako. Espesyal sa paraang hindi mo inaakala. Mayroon palang katauhan na nagtatago sa kaibuturan ng aking pagkatao. Katauhang hinding-hindi tatanggapin ng normal kong mundo. Napagalaman kong isa pala akong sorceress. Isang taong may kakaibang kapangyarihan. Isang taong hindi nabibilang sa planetang Earth kundi sa planetang Namek. Maaari mo akong tawaging abnormal, hindi naman kita masisi dahil yun rin naman kasi ang unang naisip ko sa aking sarili. Ngunit napagtanto ko, ito na ba ang nawawalang parte ng jigsaw puzzle? Ang nawawalang bahagi ng aking buhay at pagkatao? Ito na ba ang tulay upang magdugtong-dugtong ang aking nakaraan, kasalukuyan at hinaharap? Pero sa aking pagtuklas ng aking totoong pagkatao, hindi ko namamalayan na isang korona ang unti-unting naipapasa sa akin... CROWN OF FIRE