Hustisya para sa ina ang nais na makamit ni Celestine Saffiya Montealto nang ito ay paslangin sa araw ng kanyang ika-labinlimang kaarawan. Buhat ng insidente, naglaho ang pangarap niyang maging isang doktor at piniling pumasok sa pag-aabogasya na s'ya namang sinuportahan ng kanyang ama. Sa mismong araw din ng ika-dalawampu't-pitong kaarawan ni Celestine ay pumanaw ang kanyang pinakamamahal na lola, at ibinilin sa kanya ang negosyo nitong resort sa Isla Del Fuego. Ang kanyang pagbabalik sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay naging isang malaking pagsubok at hakbang para makamit ang matagal nang hinahanga na hustisya para sa kanyang ina. Ngunit sa kanyang pananatili, imbis na ebidensya ay pag-ibig ang s'yang natagpuan niya kay Zandro Lucas Velasco, isang surfing instructor na nangangapa sa pagkamit din ng kanyang mga pangarap. Ngunit pipiliin pa ba nilang manatili sa isang pag-ibig na hahadlang ng mga katotohanang mag-uungkat sa nangyaring insidente sa nakaraan? Pagmamahal pa rin ba ang mangingibabaw sa kabila ng lahat? "You are my home, Saffiya. Wherever I go, as long as you're with me, I am home." - Zandro Lucas VelascoAll Rights Reserved