Matalinghagang Likha

Matalinghagang Likha

  • WpView
    MGA BUMASA 1,761
  • WpVote
    Mga Boto 704
  • WpPart
    Mga Parte 50
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeHuling na-publish Wed, Aug 30, 2023
Ang nanahang maralitang tubig mula sa hilahil at pait, hinaing, damdamin 'di man lang namutawi. Kung paano nilabanan ang pagdanak ng likidong pula, saksi ang tinta at pluma.
All Rights Reserved
#244
pag-ibig
WpChevronRight
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • Agapito: Unang Traheduya
  • MY BUTLER'S AGENDA
  • BEAUTIFUL LADY IN WHITE
  • Mga Madaliang Gawang Tula
  • Tulang Pasalaysay Na Naglalakbay Sa Iba't Ibang Sitwasyon
  • Ms. Gender Bender
  • Unspoken Words
  • Hinabing Reyalidad
  • Out Of This Club
  • I don't Love Her

Tayo ang dahilan sa pagkakasulat ng aklat na ito, tayong mga nabubuhay para punan ang pita ng ating laman. Tayong hindi makuntento sa kung anong tagumpay ang siyang araw-araw nating hinahabol at ninanais makamit habang ang ating panahon sa pananatili ay unti-unting lumalapit sa pagkatunaw gaya ng kandilang sinilaban ng kapusukan. Ang apoy na nagpapaalab sa mitsa ng kasalanan ang umuubos sa ating buhay, at nagbibigay ng ibang uri ng liwanag. Liwanag na hindi nagbibigay ng linaw sa ating mga mata bagkus siyang bumubulag sa atin sa tunay na layunin ng ating pananatili. Hindi tulad ng isang gulong ang ating buhay akala ng iba'y magpapatuloy sa pag-ikot, isa lamang itong tuwid na linya na may simula at may hangganan. Kaya't muling binuo ang aklat na ito, isinaayos matapos ang ilang taong pananatiling tikom. Bagama't naging personal ang nilalaman ng aklat, mas ninais parin nitong mangusap sa lahat ng mambabasa na may kahalintulad na karanasan at katayuan. Nawa ang mga karanasang naitala sa aklat na ito'y hindi wangis sa kanilang pangkasalukuyan kundi bahagi nalang ng nakaraan. Dapat bang kagiliwan kung ang mga ito'y naging imahe tulad ng iyong sariling kalagayan? Ang tugon ng aklat ay hindi.

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman