A Moment Of Love (Short Story)✔
14 parts Complete Akisha Alonzo, isang manunulat at ito lang ang gusto niyang sabihin sa lalaking minamahal niya na si Alev Suarez...
Sandaling pag-ibig sa akin ay ipinatikim
Kung ako lang ay sakim
Siya'y aking aangkinin
At aking sosolohin
Ang sarap pa lang magmahal
Kaso gagawin ka nitong hangal
Hindi na baleng mawala ang dangal
Huwag lang ang taong minamahal
Ang pag-ibig
Kayang bigyang kulay ating daigdig.
Sa kapangyarihan nito tayo'y mananalig
Sigaw ng puso, ang tanging naririnig
Ang makasama siya
Hatid sa akin ay labis na ligaya
Pero ang mundo ay sadyang napakadaya
Ang kapalaran ay madaya
Ang dami ko ng itinaya
Para pagmamahalan nami'y maging malaya
Pero mukha sa larong ito, sa laro ng pag-ibig, ako ang taya
Ako ang kailangan magparaya at magpauba.
Ang tanong, makakaya ko kaya?
...
PLAGIARISM IS A CRIME!
COMPLETED
-EnigmaticPluma