A Game of Love and Friendship. Mahal Kita – Mahal mo siya – May mahal siyang iba – At ako ang mahal ng mahal niya. Hindi ko akalain—lalong hindi ko pinangarap na malagay sa ganyang sitwasyon. Saya, lungkot at sakit. Lahat ng iyan naramdaman ko sa iisang pagkakataon. Saya—dahil kahit naman hindi mo ako gusto, kwits lang tayo kasi hindi ka rin gusto ng taong mahal mo. Lungkot—dahil kahit naman may mahal na iba ang taong mahal mo, ako naman ang mahal ng mahal niya at alam ko na hindi lang ako ang nasasaktan saating apat. Sakit—kasi kahit balibaliktarin man ang mundo, hindi ka magiging akin. Wala tayong kasalanan, nagmahal lang naman tayo. Pero saating apat sino ang magkakaroon ng happy ending? Ako? Ikaw? Siya? O wala?
3 parts