Sabi ng iba ang buhay ay parang musika.. Sa una makikinig ka lang tapos hindi mo nalang namamalayan, nakikisabay ka na pala.. Minsan napapasayaw, napapakanta, minsan pa nga may ka-duet ka. Pero pano na lang kung minsan isang araw, mawala ang lahat? Ung ikaw na lang mag isang kumakanta.. Diba hindi na musika ang tawag dun? Diba, Acapella? Parang acapella din ang love life ko. Sa totoo lang, Musika naman kasi talaga eh kaya lang.. Alam mo yun? Dumami masyado ang kumplikasyon na parang sa sobrang tindi ng kapit mo, naiwan ka sa ere? Parang duet dapat pero naging solo na lang. Okay lang naman kahit solo eh pero kasi, minsan, siya parin talaga ung gusto mong ka-Duet. Kahit madami pang mag apply sa puso ko, siya parin talaga Sana ganun din siya. First time ko to, kaya.. Haha! Tiis tiis nlng po. ;)
Minsan kahit gaano mo kamahal ang isang tao, darating yung time na mawawala na lang yung spark sa pagmamahalan niyo. Kahit ayaw mo, iiwan ka na lang niya na parang wala lang. Masakit diba? Pakiramdam mo nadurog ang buong pagkatao mo. Ngunit paano kung isang araw, dumating yung taong magbibigay kulay ulit sa mundo mo? Kakayanin mo kaya ang magmahal muli? Masasabi mo bang you can love that someone with all the broken pieces?