Pagmamahal daw ang isa sa mga elementong nagpapatuloy sa pag-inog ng mundo. Ngunit magagawa mo pa bang sumugal sa pag-ibig kung kasabay ng pagkahulog mo sa isang tao ay siya ring paghinto sa pagtibok ng iyong puso? Magagawa nga ba ni Aidam Art na mapigilan ang nakatakda kung matatagpuan niya na si Roshan Amorette? Makakaya ba niyang tuparin ang kanyang ipinangako? O tuluyan na niya itong isasawalang bahala at pagbibigyan ang tawag ng pag-ibig? Started: September 17, 2020