"I-Im sorry." malakas ang kabog ng dibdib na wika ko. He's looking at me dangerously. Palapit siya ng palapit sa akin Habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang tumama ang likod ko sa pader. "Ahh!" sigaw ko sa takot nang bigla niyang suntukin ang pader na nasa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko at malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa takot. "Sorry? Its not something that we can resolve by saying sorry." mapanganib na wika niya. Nanlilisik ang mga mata niya at nagtatagis ang kanyang mga bagang. Kita ko sa mata niya ang poot pero wala akong magawa kung hindi humingi ng tawad. "I-Im sorry Jaxon. I-Im sorry." humahagulgol na wika ko. Hinawakan niya ang panga ko at itiningala sa kanya. Masyado iyong mahigpit at nasasaktan na ako pero hindi ko magawang umangal. "Damn you! I dont need your sorry. And dont act scared with this kind of thing! Mas malala ka dito! You're a murderer and I will do everything to make your life a living hell." mabalasik na wika niya bago ako marahas na bitawan. "I will see you again Xhia. I will make sure of that." aniya bago ako iwanan. Napaupo ako sa sahig at napahagulgol. Nanginginig ang kamay ko at malakas ang kabog ng dibdib ko. What have I done?