Ang pagmamahal ni Alessia Adriana Adolfo para kay Lucas Gallien ay higit pa sa inaasahan nito. Kaya nang malaman niya ang sakit na wala siyang kasiguraduhan kung gagaling pa siya ay iniwan niya ito. Para kay Alessia hindi niya kakayaning masaktan si Lucas. Hindi niya kakayaning umasa itong gagaling pa siya kahit maski siya ay hindi nasisiguro ang paggaling niya. Ngunit lumipas ang maraming taon, hindi inaasahan ang pagbabalik niya. Nagkaharap silang muli ng binata. Mananatili nalang bang isang ala-ala nang nakaraan si Lucas? o Ipagpapatuloy nila ang naudlot nilang pag-iibigan?