Ito ang ikalawang bahagi ng kuwento ng isang dating tagahanga lamang na si Chloe De Guzman na sobra ngang nahulog ang loob sa iniidolo nitong si Nathaniel Acey Reid. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hiniwalayan ni Nathan si Chloe. Inakala ni Chloe na ipaglalaban siya ng binata hanggang sa dulo ngunit kalaunan ay iniwan rin siya nito. Ano na nga ba ang mangyayari sa kanilang dalawa? Muli ba silang magkakabalikan at mapapatawad pa nga ba nila ang isa't-isa? Handa na ba sila muling ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?