Ang tula ay parang tanikala
Isang kadenang nakagapos
Mula sa kahapon
Isang kadenang nagpapaalala
Nakaraan
Isang nakaraang di malilimutan
Nakatali parin hangang ngayon
Ang sugat at pagkakamali ng kahapon
O di kaya mga araw na di malimutan
Mga di paaawat na hugutan
Nang damdamin at alaala
Ng isang malungkot na kahapon
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Mga salitang di mabigkas
Kaya pilit na tumatakas
Mga salitang di masabi
Tinatago nalang sa paghikbi
Mga salitang di magawa
Aking idadaan sa tula
Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila
Lahat ng ito'y aking nailathala
[Poetry]