Build Series #1 Hindi madaling itayo ang istraktura ng pagmamahal lalo pa't maraming katastropiya ang daraan. Kayong dalawa ang magsisilbing pundasyon ng inyong pagmamahalan. Kailangang maging matatag ang kapit sa isa't-isa nang sa gayo'y hindi mabuwag ng kahit sinuman. Ngunit paano kung dumating ang isang sakuna na bubuwag sa pagkakakapit sa isa't-isa? Sa pagbagsak ng isang bahagi ng pundasyon, tuluyan na ring bumagsak ang kabilang haligi dahil sa wala nang makakapitan pa. Aayusin pa ba ang nasira? O iiwan na lamang at hahayaan nalang itong maabandona? "We used to build each other before and we've developed our own structure of love, but you left me and I eventually collapsed."