Gulat at pagkapahiya ang naramdaman ni Fatima ng matanggap niya ang mariing pagtanggi ng binata sa kanya. Hindi niya lubos maisip na aayawan siya ng isang hamak na hardinero lang? "Anong nangyari? Napakabilis naman yata?" tanong ni Beatriz pagpasok ng kaibigan sa kwarto niya. Hindi napansin ni Fatima ang ngiting nagtatago sa sulok ng labi ni Beatriz. "He rejected me?! Can you believe it? Ako? Si Fatima Lawrence ay inayawan ng isang Hampas lupang tauhan mo? God, I can't believe it!" kinabukasan ay umuwi agad si Fatima dahil sa pagkapahiyang nakuha nito. Hindi niya matanggap na tinanggihan isang isang hardinero. Napapangiting pinuntahan ni Beatriz si Paulo sa loob ng greenhouse. Nanatili itong nakatalikod sa kanya kahit na narinig nitong bumukas at nagsara ang pinto. Niyakap ng dalagita ang binata mula sa likuran nito. "Nagtatampo ka ba sa akin?" hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa paggunting nito ng pulang rosas na malapit ng malanta. "Gusto lang kitang subukan kung bibigay ka sa kaibigan ko-" Naputol ang salitang nais sabihin ni Beatriz ng biglang humarap sa kanya ang hardinero at mahigpit na hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Ginago mo ako." Puno ng hinanakit na inatake ni Paulo ang mga labi ni Beatriz at siniil ito ng halik.All Rights Reserved