Buong akala ni Matinee ay isang paraiso ang naghihintay na buhay sa labas. Ito ang nag-udyok sa dalagang tumakas mula sa halos isang dekada niyang pagkakakulong sa sariling tahanan at subukan ang isang matapang at peligrosong takbo. Isang takbong palayo sa nakasanayan at isang takbong sasagot sa kaniyang mga katanungan. Ngunit hindi niya inasahan ang mga kinalabasan ng kaniyang desisyon. Napagtanto niyang higit pa sa buhay na kaniyang inaasam ang totoong kalagayan ng lipunan at ang realidad na gumising sa kaniya sa katotohanan. Saan nga ba patungo ang takbo ni Matinee? Ito ba'y dapat niyang ikatuwa o ikalungkot? Ihinto o ipagpatuloy? Alin ang dapat mas manaig, takot o kuryosidad, pag-aalangan o pagmamahal? Halina't subaybayan ang kaniyang makabagdamdaming kuwento na umiikot sa mga hamon at kawalan ng pag-asa sa kabila ng karangyaan na kaniyang tinatamasa. Petsa nang Sinimulang Ilathala: Ika-5 ng Agosto 2020 Petsa nang Matapos Ilathala: Ika-11 ng Agosto 2020All Rights Reserved