Mayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinundan siya nito sa probinsya? "Misis?" tawag ng barangay health worker. "Yes po?" "Misis, pa-fillup ng father's name," sabi nito sabay abot ng papel na finil-up-an niya. "llegitimate-" Nagulat siya nang may umagaw sa ballpen niyang hawak. "Baka hindi mo pa alam ang buo kong pangalan," malamig ang boses na sabi ng lalaki. " A-Ano ang ginagawa mo rito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo si White sa harapan niya. "Yan ang tanong na hindi ko masasagot pero sobrang labag 'to sa kalooban ko!" sagot nito at naupo sa tabi ni Ayesha nang tumayo ang buntis na katabi nito. "White Villafuerte naman ang pangalan ko bakit hindi mo pa nilagay?" tanong ni White at napatingin kay Ayesha na para hindi makapaniwalang nasa harapan na siya nito. White Villafuerte, tahimik at maselang elementary teacher pero dahil sa mag-ina niya ay napilitang magtrabaho sa probinsya. Paano niya mababago ang buhay ng mga estudyante mula sa tribung bugkalot o ilongot na may marahas na nakaraan at hinuhusgahan ng iilan? Paano niya mapaniwala ang lahat na ang kabataan ay pag-asa "PA RIN" ng ating inang bayan? Ayesha- Tinalikuran ang pagiging nurse dahil sa pagbubuntis. Paano niya pakisamahan ang ama ng anak niya kung mas maarte pa ito kaysa sa kanya? Paano niya makumbinsi si White na kailangan pa rin niyang magtrabaho para sa bayan at gamitin ang kanyang pinag-aralan? Paano nila malagpasan ang pagsubok bilang isang magulang at bilang propesyunal ng bayan? Macdu Elementary School, Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya. ctto: Shiela Sanchez