[-LET ME BE YOURS: WRITTEN BY acyLcaca-] Elementary palang si Merriemei Sarioso nang maramdaman niya na nagkakagusto na siya sa pinakamatalik na kaibigan ng kuya Gregorie niya na si Chad Vrian Morillo. Ngunit bata palang siya ay kabilin-bilinan na sa kanya ng kuya Greg niya na hindi siya pwedeng magkaroon ng nobyo hangga't hindi pa siya natatapos sa pag-aaral. Kaya naman hindi niya maamin sa lalaki ang tunay niyang nararamdaman para dito. At naging madali naman ang paglilihim niyang ito ng napakahabang-panahon dahil sa hindi rin naman sila gaanong magkasundo. Palagi siyang umiiwas sa binata at baka kasi mahalata nito na may gusto siya dito. Nang magkaroon naman ng pagkakataon na makasama niya ang binata ay mas lalo pa ngang lumalim ang nararamdaman niya dito. At naging malapit na rin nga sila isa't isa. Ngunit paano naman kaya si Josh Evan Punzalan, na naging matalik na niyang kaibigan. Ang kaibigan niya na may pagtingin pala sa kanya. Hanggang kailan siya aasa at hihiling na sana siya na lang ang inilaan ng tadhana para kay Chad? At hanggang kailan naman niya babalewalain ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya? "LET ME BE YOURS!" :Merriemei to Chad Vrian :Josh Evan to Merriemei -------------------- ---------------------------- Hope you like my first story :>