The juans' story inspired. "Itutulog na lang Ang lungkot na nadarama" kasabay ng pagbanggit ng mga letra ng paborito kong kanta ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to. "Itutulog na lang Bigat na dinadala" Dala ko pa rin yung sakit na dinulot mo. Alam ko naman na masaya ka kasi sa wakas pinalaya na kita. At sa wakas kasama mo na din siya. Masakit man para sa akin na nakikita kang tumatawa ng hindi ako ang dahilan. "Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisan" Alam kong dapat masaya na din ako pero pano ko gagawin yun. Ikaw yung kasiyahan ko pero winasak mo ako. Wasak na wasak ka nung natagpuan kita pinilit kitang buoin tapos ikaw naman pala tong wawasak sa kin. "Pa'no na ang pangarap nating dalawa? Nahanap mo na ang iyong tahanan sa piling ng iba Pa'no na ang mga pangako sa isa't isa? Sa laban nating dalawa'y naiwang mag-isa" Sana man lang binigyan mo ako ng pagbabadya na bibitaw ka na. Minahal kita ng sobra kaya hanggang ngayon di ko alam kung paano ako babangon. Higit dalawang taon na mula ng huli tayong magkita. Sana balang araw bigyan naman ako ng tadhana ng taong makakabangga ko. Yung ako naman yung aalalahanin, aalagaan, at mamahalin ng todo.All Rights Reserved