Lumaki sa hirap si Sofia Mendoza Williams. Bunga siya ng isang gabing pagkalimot ng mama niya noong nagtratrabaho ito bilang waitress sa bansang Singapore. Ang sabi ng mama niya Australiano ang ama niya, makikita naman ito kay Sofia dahil matangkad siya, maputi, matangos ang ilong at maganda ang mga mata at pilikmata, artistahin ang mukha ika nga. Mas pinili ng mama niya na huwag ng hanapin ang nakabuntis sa kanya at palakihin na lang siyang mag isa.
Habang nasa ibang bansa ang mama niya ay nagtitinda ng isda sa palengke si Sofia kasama ang kanyang lola. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kakulangan nila ng pera. Konti lang kasi ang sahod ng mama niya doon sa ibang bansa kaya mas pinili na lang ni Sofia na tumulong kesa sa mag aral ng kolehiyo.
Charles Fortalejo, bilyonaryo ang angkang pinagmulan. Nag iisang anak lang siya at nag iisang tagapagmana ng mga Fortalejo. Madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa napakaguwapo ng lalake, bilyonaryo pa. Alam niyang anytime ay pwede siyang mapikot kaya nag iingat siya sa tuwing makikipag flirt siya sa mga babae.
Nagkrus ang landas nila ni Sofia ng minsang masangkot sila sa isang holdapan sa isang grocery store. Iniligtas siya ni Sofia sa kamay ng mga holdaper na yon sa sarili nitong paraan. Nang magkahiwalay sila ay hindi niya man lang naitanong ang pangalan nito.
At isang araw ay natagpuan na lang ni Sofia ang walang malay na si Charles sa dalampasigan. Kinupkop niya ito at binigyan ng tahanan pansamantala habang hindi pa ito magaling sa mga tinamong sugat.
What if they fall in love with each other? Kaya bang humalik ng langit sa lupa?Pero paano kung nakatakda na palang magpakasal sa iba si Charles at malaman ito ni Sofia?
Si Hanna Faith ay isang nursing graduate. Nabaon sa utang ang kanyang pamilya dahil sa ipinanggastos sa pagpapaaral sa kanya. Hinahabol sila ngayon ng isang loan shark na inutangan nila dahil hindi sila nakapagbayad. Binigyan sila ng palugit na sa loob ng dalawang buwan ay dapat mabayaran na nila ang lahat ng kanilang utang kasama na ang interes na mas malaki pa sa kanilang inutang.
Nang may nakita siyang post sa facebook na naghahanap ng personal nurse ng isang matandang babae ay hindi na siya nagdalawang isip at nag-apply roon.
Akala niyang madali lang ang trabaho niya ngunit naging mahirap dahil sa apo ng kanyang amo na ubod ng sungit na si Dwight Zane Alonzo. Palagi na lang mainit ang ulo nito sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang dapat ikagalit nito.
Dumagdag pa ang seryoso nitong mukha na hindi yata marunong ngumiti. Pero sa kabila ng lahat ng iyon hindi maikakaila ang napakagwapo nitong mukha. Matangkad ito at may magandang hubog nang pangangatawan na akalain mong isang modelo.
Kaya hindi napigilan ni Hanna na hindi mahulog dito pero itinago lang nito iyon sa sarili dahil alam nito na walang interes si Dwight pagdating sa mga babae.
Pero paano na lang kung bigla na lang itong bumait sa kanya? Makakaya niya pa kayang pigilan ang sariling aminin dito ang nilalaman ng kanyang puso?