Sa pamamagitan ng isang lumang orasan na iniregalo sa kanya ni Charlie Janairo-si Prinsesa Marxia ay biglang napadpad sa nakaraan at natuklasan ang isang madilim na bahagi ng kanyang sarili bilang isang malupit na reyna na labis na nagmahal kay Argus, isang pagmamahal na nagdulot ng kapahamakan sa maraming tao. Nang siya ay makabalik sa kasalukuyan, dala niya ang mga aral ng kanyang mapait na karanasan. Ngunit sa kabila ng kanyang pagsusumikap na iwasan ang kapalaran, muli niyang nakatagpo si Argus. Ngayon, isang bagong pag-ibig ang umusbong- isang damdamin na hindi niya inaasahan. Habang Sinusubukan niyang balansehin ang nakaraan at kasalukuyan, natutuhan ni Prinsesa Marxia na ang pagmamahal ay maaaring magdala ng parehong kaligayahan at pagkasawi. Sa harap ng isang muling pag-uumpisa, magagawa kaya niyang baguhin ang takbo ng kanyang oras sa kasalukuyang panahon? --- Started: July 28, 2020 Finished: October 17, 2024 Book cover Illustrated by: Reidel Angelica Lerado