Si Joshua flynn ay isang mayamang lalaki, wala siyang pakiramdam o sabihin nating manhid siya sa paligid at sa mga tao simula nung nawala ang lolo niya. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit,lungkot o kahit anong nararamdaman ng isang normal na tao at bilang lang din ang gusto niyang kaibigan..masaya na siya sa mga ito at mahal na mahal niya ang sarili niya higit pa sa kahit na ano o sino..pero sa isang iglap, hindi niya inaakala na sa maikling pagkakataon ay makakaramdam ulit siya.. Awa lungkot at tunay na saya ang naramdaman niya nang tuluyan niyang makilala ang isang babae na sa unang beses nag pa tibok ulit ng puso niyang namayapa na. Madami ang nangyari sa isang taon na pagsasama nila..nagagawa nila ang mga bagay na dapat mag asawa lang ang gumagawa.. Kaya gayonpaman ay may mga katanungan sa isipan ng babaeng mahal niya.. PAG-MAMAHAL BA TALAGA ITO? MINAHAL MO BA TALAGA AKO? Iniisip niya na baka minadali lang nila ang lahat kaya nangyari and mga bagay na iyon na nag pasikip ng isipan at puso niya..sa maikling pagsasama nila ay alam ni josh ang sagot sa mga katanungan niya ngunit ano nga ba iyon? Tara at tuklasan ang makulay na storya ni Joshua at Jenny. ENJOY! <3